HOME | DD

hotrodimus — Journal Poems
Published: 2004-09-29 03:34:55 +0000 UTC; Views: 145; Favourites: 0; Downloads: 23
Redirect to original
Description "Bote"
Isa ka sa mga unang nasisilayan
ng mga sanggol.
Katulong ng ina sa pagpapasuso.
Laman mo'y likidong bumubuhay
sa kanila.
Sumabay ka sa paglaki ng mga sanggol na ito.
Kasabay na rin ang mas pagkuha ng
kanilang atensyon
sa pagbabago mo ng anyo.
Mas kaibig-ibig ka na.
Pampagaan at pampapresko ang iyo nang
lamn, para sa katawan ng malalaki
mo nang mga alaga.
Ngunit minsan,
gaya ng sa isang relasyon,
ika'y inaayawan;
kahit na alam mong tama ang idudulot mo'y
mahirap para sa kanilang tanggapin
ang tulong mo.
Dahil totoo nga na
hindi palaging masarap ang pinakamabuti.
Kahit ganoon pa man,
labis mo silang mahal.
Sinasabayan hanggang ngayong
dapat ay lubos na silang nakaiintindi.
Sumasabay habang mayroon silang mga
problema.
Mga problema nilang
sinusubukan mong lutasin, ngunit
hindi mo kaya nang lubusan.
Pinapalimot mo lang sila
at matapos ang ilang oras na tulog,
maaalala lang nila ang lahat muli.
Pasensya na, ngunit kung mahal mo silang
talaga'y huwag mo na silang palimutin.
Lumayo ka na lang
nang hindi mo na sila pinapaasa pa.


"9"
Siyam
na buwan,
ang bibilangin bago ang bata'y
lumabas.
Mahirap ang ganito.
Siyam
na buwan pa bago
ang sukdulang pasasalamat.

Siyam
na buhay,
ang bibilangin bago
tuluyang mamatay
ang pusa.
Wla ring kwenta.
Siyam
na kamatayn pa bago
tuluyang matakasan
ang problema.

Siyam
na ulo,
meron ang isang "hydra".
Mabuti pa ito.
Sa pagkaputol ng isa,
ang kapalit ay
dalawa.


"Mukha ko"
May ibang mukha ako sa loob.
Mukhang
gising kung ako'y tulog.
Mukhang
tumatawa sa aking kalungkutan.
Mukhang
tumitingala satuwing ako'y nayuko.
Mukhang
kausap ko ngunit
nananakot na may
manununggab sa akin mula sa likod.
Mukhang
kausap ko at
nanlilito kung ako ang tama o siya.

Mukhang
hindi ko mapigil
sa pagkausap sa akin.
Related content
Comments: 0