HOME | DD | Gallery | Favourites | RSS

| Marvinx

Marvinx ♂️ [656734] [2004-01-17 13:22:07 +0000 UTC] "marvin evanglista" (Philippines)

# Statistics

Favourites: 0; Deviations: 1; Watchers: 1

Watching: 1; Pageviews: 2845; Comments Made: 23; Friends: 1


# Comments

Comments: 23

jerix [2004-01-24 20:05:08 +0000 UTC]

Ambin Musta na?... Kala mo parang matagal na hindi nagkita, he-he.

👍: 0 ⏩: 1

Marvinx In reply to jerix [2004-10-15 14:57:45 +0000 UTC]

Dre thanks for not forgetting me, hayaan mo lagi ko ng bibisitahin deviantart ko, nakalimutan ko kasi kung anong password ko buti na lang natandaan mo.... matanda ka talaga... i mean matandain ka pala.. hehehe..

👍: 0 ⏩: 1

jerix In reply to Marvinx [2004-10-19 20:14:01 +0000 UTC]

Sabi ko naman sayo dre na mataas ang capacity ng memory ng utak ko at madali kong natatandaan ang mga nakikita at naririnig ko bisitahin mo na lang 2 page mo palagi... at mag submit ka narin ng mga samples mo

👍: 0 ⏩: 1

Marvinx In reply to jerix [2004-10-26 13:36:47 +0000 UTC]

Dre nakabili ako ng lightwave na pang mcintosh... marunong ka ba dun? kagaya lang ba ng 3dmax yun kasi ala akong makitang 3dmax na pang mac kaya yun na lang binili ko.

👍: 0 ⏩: 1

jerix In reply to Marvinx [2004-10-26 17:25:24 +0000 UTC]

Dre yung lightwave pareho lang sya ng max kaso masmahirap yang gamitin tol dapat nag MAYA ka nalang pang mac din yun... yung max wala ka talagang makikita nun sa mac dahil pang PC lang talaga to naks may avatar na sya hehehe

👍: 0 ⏩: 1

Marvinx In reply to jerix [2004-11-15 10:17:07 +0000 UTC]

dre cencia na ngayon lang ako nakareply kasi dumami trabaho namin. Tinanggal na kasi nila yung mga OJT ewan ko ba kung bakit nila naisipan iyon, kami tuloy ang nahihirapan. Ok ba avatar ko? simple nga lang, hayaan mo papalitan ko yan kapag natuto ako ng sinasabi mong MAYA. Sinubukan ko ngang maghanap ng libro ng lightwave pero ala akong makita. Kaw mukhang kabisado mo na yung 3D studio max ha! idol na nga kita pagdating sa mga ganyan dali mong natututunan. Sabi nga ng mga kaibigan mo eh... tao ka nga b? hehehe.

👍: 0 ⏩: 1

jerix In reply to Marvinx [2004-11-16 22:27:18 +0000 UTC]

hehehe... Tao nga ba ako... ewan ko, robot yata may supercomputer yata ang loob nang utak koheheh... Oh! bakit naman nila tinanggal ang OJT pambihira naman sila, baka nagtitipid sa gastusin censya na rin kung di ako ganong nakakapunta dyan, alam mo na medyo busy rin ako sa trabaho ko yung avatar mo ayus yan... dude may nagnakaw nga pala ng avatar mo kase nakita rin yan na ginagamit ng ibang user d2 sa Devart...

👍: 0 ⏩: 1

Marvinx In reply to jerix [2004-11-21 05:45:16 +0000 UTC]

dre sabi ko na di ka tao... inamin mo rin. Matagal n akong nagdududa eh. Galing ka sa mundo ng mga anime. Sabi mo may trabaho ka na? saan?
Yung tungkol sa mga ojt cguro nga nagtitipid cla kasi malapit na clang maregular syempre mas mataas na ang sweldo saka magpapasko kasi kaya nagtipid. Alam ko kukuha ulit cla ng ojt eh baka sa january syempre dun cla makakatipid di ba!
Dre pagnaglagay ba ko ng drawing ko dito... sa tingin mo di nila ko pagtatawanan kasi di ako ganun kagling eh... gwapo lang ako pero di ako marunong magdrawing eh (hambol ba?) baka patawanan lang nila ako. Cguro saka na lang next year malamang may mailagay na ako pero yung mga simple lang. Totoo bang ninakaw yung avatar ko? baka nakakamukha lang... medyo common lang kasi yun. Di bale papalitan ko na iyon eh.

👍: 0 ⏩: 1

jerix In reply to Marvinx [2004-11-24 03:35:07 +0000 UTC]

Cguro nagtitipid hehehe... yeah dre talagang ninakaw dahil parehong-pareho... yeah pwede kang magpasa ng drawing dito... ok lang yun marami rin naman dito ay di gaanong marunong magdrawing atleast may gallery sila di kanaman pagtatawanan dito... may roong magkokoment maari ...
about job... Colorist ako ngayon ng bagong Comics Magazine "Blizworx" ... Sideline lang to, at maliit lang ang kita pero atleast dito ko lang ginagawa sa bahay ang trabaho ko, hehehe at hawak ko parin ang oras ko kaya may time parin akong mag-aral ng 3D ... Baka mga December or January na ang out ng Magazine namin check out mo na lang tong group namin d2 sa DevART link click here -->

👍: 0 ⏩: 1

Marvinx In reply to jerix [2004-11-24 11:42:48 +0000 UTC]

dre, hayan pinalitan ko na yung avatar ko, sa kanya yung ginawa kong cd. Yan si Yoh Asakura ng Shaman King. Di ko yan drawing kinuha ko lang picture nya sa cd. Ginawan ko lang ng samurai saka nilagyan ko ng effects. Sige maglalagay na ko ng mga gawa ko para may gallery na rin ako. May mga nagawa na ako kaya lang parang gawa ng bata. Pinagdrawing kasi ako ni sir para ilalagay daw sa isang outlet ng Automatic Center (bilihan ng mga kasangkapan at appliances). Yun na lang muna ang ilalagay ko. Para yung Blitzwork parang contest ba? kasi nabasa ko sa web page nila na paglalaban labanin pa kayo. O nanalo ka na? Hintayin ko na lang yan sa January ha. Bibili ako para gayahin ko yung style mo. Okey yang trabahong yan di nakakastress. Sana someday ganyan na rin trabaho ko. Gusto ko kasi sa bahay lang pero kumikita di ba?

👍: 0 ⏩: 1

jerix In reply to Marvinx [2004-11-25 08:03:41 +0000 UTC]

WoW! azteg ang avatar mo dre... hanep talaga azteg yung samurai, gawa mo ba talaga ang galing parang tunay kung sabagay master ka naman sa Photoshop eh kaya sisiw na lang sayo yan Yung Blitz arena, ano yun parang battle art ng mga artist, pipili ka sa mga myembro ng Blitzworx at sya ang makakalaban mo sa "blitz arena" ang mananalo ay magkakaroon daw ng 3page gallery sa BlitzworxMagazine... sumali na ako dito dati pero iba ang theme non pang 2nd place yata ako non sa art arena kaya nga ako naging member... ano pare gagayahin mo na rin ako... mag magtratrabahong tamad kana rin ...

👍: 0 ⏩: 1

Marvinx In reply to jerix [2004-12-05 12:40:42 +0000 UTC]

buti na lang dre nagustuhan mo avatar ko kasi idol kita... isang karangalan ang purihin mo dre... hehehe. Gawa ko yang samurai dre...pag may nagnakaw pa nito eh papatay na ako...dre may mga mailalagay na ko sa gallery ko mga next week siguro kasi dami pa naming trabaho.. nagovernight nga ako nitong friday eh tapos kinabukasan gabi p ko nakauwi. Dre question? paano ka nagkukulay ng damit sa photoshop? nagfifill ka muna ng isangkulay tapos gagamitan mo na lang ng dodge saka burn tool para magkadepth, ganun ba? Nahihirapan kasi akong magkulay.. gingamitan ko ng brush... nagseselect ako ng kulay.. fill muna tapos yung highlights nagbrush ako ng light color... kaya lang panget ang dating.

👍: 0 ⏩: 1

jerix In reply to Marvinx [2004-12-06 17:59:33 +0000 UTC]

Idol... ikaw nga ito'ng master sa photo manipulation eh! ilang picture na ng mga babae sa FHM Magazine ang pinaSexy mo kahit hindi naman Sexy hehehe...Yah, nagpifill muna ako ng isang flatcolor saka ko nilalagyan ng depth... dodge n burn dati ang style ko dati pero ngayon ay hindi na ... kase panget nga ang kinalalabasan pagsumobra... purong brush technique na ang ginagamit ko ngayon... pero ok pa rin naman yung dodge n burn kaya lang ingat kang wag sosobra ang paggamit, naoovercook yung kulay... bawasan mo ng opacity at gawin mong 11% para kontrolado mo parin ang amount na kakailanganin kung sa brush naman ay ganun din, check your opacity kung sumobra parin ay alam ko naman na kaya mo na yang resolbahin dahil magaling ka naman sa color retatching hehehe ... yakang -yaka mo na yan, from the looks pa lang ng samurai na ginawa mo asteg na eh! ...
Good luck DUDE!...

p.s. paki sabi na rin kay Gelica na sapagbisita ko na lang dadalhin yung CD nya ... salamat!

👍: 0 ⏩: 1

Marvinx In reply to jerix [2004-12-07 13:38:00 +0000 UTC]

Dre, salamat ng marami...ngayon alam ko na, practice practice na lang muna ako. Paano nga pala maglagay sa gallery? kasi sinusubukan ko sya kung paano.. nalilito ako eh. Kailan ka nga pala raw pupunta dito sabi ni gelica?

👍: 0 ⏩: 2

jerix In reply to Marvinx [2004-12-08 03:31:45 +0000 UTC]

Paki sabi na lang kay Gelica...Cguro baka mga January na, Kase busy ako ngayon dahil deadline na ng Magazine namin at kailangan ko pang tapusin yung ilang pages nung comics... paki sabi na rin pasensya na... Sa pagpasa ng artwork... click mo lang yung "submit" na icon don sa bandang taas... tapos may mga selection doon kung anong klaseng file ang sasubmit mo... kung artwork click mo lang yung to gallery tapos step by step na yun, pipili ka kung anong category mo ilalagay yung file... ganon lang yun, madali lang naman...

👍: 0 ⏩: 2

Marvinx In reply to jerix [2004-12-08 13:27:13 +0000 UTC]

dre nasubukan ko na.... ganun lang pala... ang dali-dali lang. Nilagay ko sya under scrap kasi ala pa syang kulay... saka subok lang. Salamat pare.

👍: 0 ⏩: 1

jerix In reply to Marvinx [2004-12-08 18:43:54 +0000 UTC]

Uy yeah meron na sya hehehe

👍: 0 ⏩: 1

Marvinx In reply to jerix [2004-12-15 10:39:53 +0000 UTC]

Dre wala pa nga yan sa kalingkingan ng mga nagawa mo eh... subok lang muna ala pang kulay di pa ko marunong. Cencia output na ng FHM magazine natin kaya ngayon lang ako nakareply.

👍: 0 ⏩: 1

jerix In reply to Marvinx [2004-12-15 17:22:25 +0000 UTC]

ok lang dre, naiintindihan ko naman alam ko namang matrabaho ang FHM mag ...Yahoo... sino featured ngayon sa FHM January2005 isseu, dude asteg... marami bang magaganda sa mag... uy dre tignan mo to at koment ka na rin [link]
Ikamusta mo na lang ako kina Vigil, Pam, Web, Gelica at Mel... at kay Marlon din and Merry Christmas sa inyong lahat!!!...

👍: 0 ⏩: 1

Marvinx In reply to jerix [2005-01-10 14:27:51 +0000 UTC]

dre ballita ko nagenroll ka na raw? nagkita raw kayo ni Lloyd sa TUP? Tuloy na talaga ang pag-aaral mo ha! good luck!

👍: 0 ⏩: 1

jerix In reply to Marvinx [2005-01-11 17:24:40 +0000 UTC]

OO nga eh... sana nga tuloy tuloy na ang pag-aaral ko yah nagkita kami ni Lloyd sa TUP... maraming salamat sa good luck thing... sana nga makapasok ako ng Fine Arts para rin naman ito sa Company natin eh...

👍: 0 ⏩: 0

Marvinx In reply to jerix [2004-12-08 13:21:02 +0000 UTC]

cge dre hintayin ka na lang namin dito... saka hintayin ko yang magazine na iyan... sana mura lang yan...hehehe. Susubukan ko yung step na sinabi mo censya ka na dre medyo kinakapa ko pa itong deviantart. Buti ka pa kabisado mo na. Sasabihin ko na lang kay Gelica... ayaw nya na kasi ng palayaw nyang leklek dre... kaya kalimutan mo na iyong palayaw nya... gelica na lang daw.

👍: 0 ⏩: 0

jerix In reply to Marvinx [2004-12-08 03:31:10 +0000 UTC]

Paki sabi na lang kay Gelica...Cguro baka mga January na, Kase busy ako ngayon dahil deadline na ng Magazine namin at kailangan ko pang tapusin yung ilang pages nung comics... paki sabi na rin pasensya na... Sa pagpasa ng artwork... click mo lang yung "submit" na icon don sa bandang taas... tapos may mga selection doon kung anong klaseng file ang sasubmit mo... kung artwork click mo lang yung to gallery tapos step by step na yun, pipili ka kung anong category mo ilalagay yung file... ganon lang yun, madali lang naman...

👍: 0 ⏩: 0